Michael Jackson : Memories Are Forever

michael-jackson

Ginulantang kailan lang ng pagpanaw ni Michael Jackson ang buong mundo.  Halos ay hindi makapaniwala sa biglaang pagkamatay nito na nagdulot ng kanya kanyang haka-haka at kontrobersiya.

Kaninang umaga habang ako ay nasa bus saedsa ay pinapanood namin ang isang film kung saansinalaysay ang buhay ni Michael Jackson, nakakatuwang pakinggan ang mga awitin na pinasikat nito.  Habang nanood ay pumipintig ang aking mga ugat na para bang ako ay sasayaw sa aliw ng awiting Billy Jean. HIndi matatawaran ang galing ni MIchael Jackson at yan ang katotohanan, isa siya sa iilang singer na nag-iiwan ng tatak sa mundo ng musika.

Mula bata pa lang ako ay hindi na iba sa pandinig ko ang mga musika ni MJ hindi ko malimutan ang isa kong pinsan na ginagaya ang mga kilos at galaw ni MJ habang kinakanta ang Thriller .  Ako ay hindi talaga isang MJ fanatic pero hindi ko maipagkakaila na minsan sa aking kabataan ay pinangarap ko rin na magaya ang signature moves nito at ilang beses ko na ring kantahin ang ilan sa kanyang mga awitin.

Nakalulungkot man pero ang buhay ay sadyang mahiwaga at ang pagpanaw ni MJ ay nagpapatunay ng kahiwagaan nito at kelan man hindi natin malilimutan na sa mundong ito ay may isang MJ na dumaan at na-iwan ng isang TATAK na kahit sino man na nakakakilala sa kanya ay hindi malilimutan.

Advertisement
Explore posts in the same categories: Uncategorized

Tags: , , , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.